Isang umaga, naglayag sa kahabaan ng Ilog Pasig ang Bapor Tabo. Dahil sa kabagalan ng takbo ng bapor, kalaunan ay naging usap-usapan dito ang pagpapalalim ng Ilog Pasig. Nagkasagutan naman sina Don Custodio, at sa naging suhestiyon ay ayaw itong sang-ayunan ni Donya Victorina.
E kung mag-alaga na lang kaya ng mga pato?
Naku, di maaari! Nandidiri ako sa mga balot!
Naku, ay hindi naman ho namin 'yon kailangan.
Nasa ibabang kubyerta si Simoun. Doon ay matatagpuan rin si Basilio, kasama si Isagani na siyang ipinakilala kay Simoun. Nabanggit ni Simoun na hindi siya nakakadalaw sa lalawigan nila dahil mahirap ito at wala silang kakayahang makabili ng alahas.
Tuong napakahirap ng lalawigan ninyo't hindi kayo makabili ng alahas.
Tumungo uli si Simoun sa ibabaw ng kubyerta ng Bapor Tabo at doon ay natagpuan niya sina Don Custodio. Nasabihan siya nito na hindi na niya naabutan ang dinaanang bapor. Kinalaunan ay nagkaroon ng pag-uumpukan. Naisalaysay ng Kapitan Heneral ang alamat ng Malapad-na-Bato. Ayon sa kanya, iyon raw ay ikinokonsiderang banal para sa mga katutubo na siyang nagsisilbing tahanan ng mga espiritu.
Napag-isipan ni Kabesang Tales na makisama sa namumuhunan sa bukirin. Ang bukid ay nakaranas ng pag-unlad, ngunit ang malungkot nitong sinapit ay sa oras na ito'y umunlad ay inangkin ito ng mga prayle at siya namang pinagbayad ng buwis si Kabesang Tales. Nawalan siya ng kakayanang mabayaran ito dahil sa napakataas na presyo, kaya't siya'y dinala sa korte na kalauna'y natalo rin mula sa malulupit na impluwensiya ng mga prayle sa gobyerno.
Kalunos-lunos ang sinapit ni Kabesang Tales sapagkat siya'y nadakip.
Noong patungo na si Basilio sa bahay na kanyang tinutuluyan na kung saan ay bahay ito ni Kapitan Tiago na tinitirhan ng isang katiwala, nakatanggap siya ng malungkot na balita mula rito. Ibinalita sa kanya ang pagkakadakip ni Kabesang Tales, na siyang dahilan kung bakit siya'y tuluyang nawalan ng ganang kumain.