Siya ay si Elise. Kahit na may pandemya, pinili niya pa ring dumalo sa isang pagdiriwang na may maraming tao ang imbitado.
Makalipas ang 3 araw mula noong siya'y dumalo sa pagdiriwang, siya ay sinamaan na ng katawan.
Ang sama ng aking pakiramdam, siguro ako'y tinatrangkaso lamang.
Kausap ni Elise ang kaniyang kaibigan sa pamamagitan ng videocall. Dito ay kinumusta siya ng kaniyang kaibigan.
Naku! Nararapat yata na ikaw ay magpa-test. Ang iyong nararamdaman ay ang mga simtomas ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Ito, ako'y mayroong sipon at ubo. Dumagdag pa ang sakit ng aking pangangatawan.
Kumusta na ang iyong lagay?
Makalipas ang ilang araw nang siya ay nagpa-test at nag-isolate, nakuha niya na ang resulta nito. Siya ay positibo sa COVID-19 virus.
Naku! Ako ay positibo sa COVID-19. Nakuha ko kaya ito sa pagdiriwang na aking pinuntahan?
Napagtanto ni Elise ang mga maling bagay na kaniyang nagawa. At sa wakas, natutunan niya na mahalaga ang pagsunod sa mga safety protocols.
Dapat pala ako'y nanatili na lamang sa aking tahanan at sundin ang mga safety protocols. Edi sana hindi ko nararanasan ito, ang hirap palang magpositibo sa COVID-19.
Ibabahagi at ipapakalat ko ang mga impormasyon na ito sa social media platforms upang maraming mga tao ang mabigyan babala tungkol sa mga simtomas at paano makaiiwas sa COVID-19 virus.