Noong gabing iyon, hindi nagdalawang isip si Mark na gumawa ng isang liham para maipadala sa opisina ng punong guro. .Nakasaad dito ang kanyang mga nadiskubre.
Mayroong mga fake accounts na bumoto kay Valentino Dimagiba kaya naman 'di hamak na mas mataas ang natanggap niyang boto kaysa kay Gabriela Salazar.
Si Gabriela ang tunay na nanalo sa pagkapangulo sa ating botohan.
FRAME 8
Oo nga Val. Pre wala ka naman palang ginawang masama eh, edi tanggalin mo na yang bigat ng isipin na yan sa utak mo. Naniniwala kami sayo. Ang mahalaga, naisiwalat ang katotohanan, pinanindigan at tinanggap din ng bawat isa ang katotohanan. Wag mo na 'yon alalahanin! Iba na lamang ang pag-usapan natin. Pag-usapan nalang natin kung saan tayo gagala pagkatapos ng Recognition Ceremony!
Ano ka ba Val... alam naman naming hindi mo kayang gawin 'yon. Tanggalin mo na iyon sa isipan mo sapagkat wala ka namang kasalanan kasi hindi naman ikaw ang gumawa noon eh.
Pasensya na kayo Gabriela at Mark... Mag-aanim na taon na tayong magkaklase at alam niyo namang hindi ko gagawin ang bagay na katulad nito. Hindi ko alam kung sinong gumawa nito ngunit pasensya na talaga lalo na sayo Gab.
Akala ng lahat ay tapos na ang kontrobersya na ito ngunit mayroong saksi sa posibleng naganap na dayaan... si Mark. Siya ay isang tahimik na estudyante lamang ngunit mapagmasid siya kaya marami siyang nalalaman. Siya ang tagasuri sa naganap na botohan at naisipan niyang suriing muli ang mga boto noong kinagabihan ng araw ng Biyernes.
FRAME 9
May gumawa ng fake accounts upang manalo ang igusto nilang pangulo. Hindi pa namin alam kung sino ngunit nakausap na namin ang bawat partido at ang bawat isa'y sumang-ayon na walang pasimuno sa kanila sa dayaang naganap. Kung sino man ang pasimuno nito, nais kitang makausap hindi para pagalitan o parusahan, nais kitang makausap sapagkat nais kong maituwid natin ang nagawa mong pagkakamali.
Magandang umaga sa inyong lahat! Sa umagang ito mayroon akong isang maganda at isang masamang balita.
Araw ng sabado, walang pasok ngunit ngayon, tinipon ang miyembro ng bawat partido kasama na si Mark sa opisina ng punong guro upang pag-usapan ang dayaan na nangyari. Iginiit ng bawat partido na wala silang kinalaman sa dayaang nangyari. Hindi na nila mahanap pa kung sino ang may kagagawan nito ngunit ang mahalaga, nabilang nang muli nang mas maayos at napatunayan na si Gabriela ang siyang totoong panalo sa pagkapangulo sa ganap na eleksyon
FRAME 10
Mga anak, lagi niyong tatandaan na ang katotohanan lamang ang magpapalaya sa atin. Ang pamumuhay sa loob ng kasinungalingan ay pamumuhay kung saan binubugbog mo ang iyong isip, puso at konsensya araw-araw at gabi-gabi.
Ngayon, ang magandang balita naman upang tayo'y sumaya! Ang binoto ng mga mag-aaral ng paaralang ito sa pagkapangulo ay si Gabriela Salazar! Congratulations Ms. Salazar! Bago ang pagdiriwang, gusto ko munang pasalamatan ang dalawang partido sa maluwag na patanggap sa katotohanan mula sa eleksyon lalo na si Valentino na tinanggap nang maayos ang naging resulta. Higit sa lahat, nais kong pasalamatan si Mark, ang ating manunuri sa eleksyong pampaaralan. Maraming salamat sa iyong matapat na serbisyo.
Pagkatapos na maayos at mapag-usapan ang mga bagay na dapat maayos sa opisina ng punong guro, sila'y umuwi na ngunit si Gabriela, Valentino at Mark ay pumunta sa isang kainan upang mag-usap muna patungkol sa nangyari.
.
Dumating na ang araw ng Lunes. Ang araw kung saan iaanunsyo na ng punong guro ang katotohanan sa likod ng resulta ng naganap na eleksyon.
Unahin na muna natin ang masamang balita. Nakatanggap ako ng balita mula sa mag-aaral na manunuri sa ating eleksyon na may naganap na pandaraya.
Punong Guro: Muli, huwag nating kakalimutan sa lahat ng pagkakataon ang kahalagahan ng paggalang at pagtanggap sa katotohanan. Ika nga nila "Only the truth will set your free." Muli, magandang umaga at salamat sa inyong lahat.
Nawa'y sa nangyaring ito, matutunan natin ang tunay na kahalagahan ng katotohanan. Piliin natin ito palagi. Panindigan sa lahat ng pagkakataon. Isiwalat sa bawat sitwasyon at igalang para sa ikabubuti ng ating buhay.