Ikinalulungkot ko mang sabihin ngunit hindi ka nakapasa sa isa mong assignatura Isabelle. Ikaw ay bagsak sa assignaturang Matematika. Inaasahan ko na sa susunod ay hindi na ito mangyayari.
Camille! Bagsak ako sa ating isang assignatura. At ang malala, Matematika pa ito. Natatakot ako sa magiging reaksyon ng aking mga magulang. Ayaw kong makita ang pagkadismaya sa kanilang mukha.
Tumahan ka Isabelle. Nag-aalala rin ako para sa iyo ngunit mas mabuti kung sasabihin mo ito sa iyong pamilya dahil sila ang nagpapaaral sa iyo at para malaman nila na ikaw ay nahihirapan sa matemaktika upang ika'y matulungan nila.
Isabelle, mas mabuti kung kayo'y magusap-usap ng inyong pamilya upang mas mapaunlad niyo pa ang pakikipag-komunikasyon sa isa't isa. Maganda itong daan upang mas mapabuti niyo pa ang pagkakaunawaan at pag-iisa. Sabay ninyong harapin o lutasin ang inyong problema. Hindi ka nag-iisa.
Maraming Salamat Camille sa pagpapaliwanag sa akin ang nararapat kong gawin. Ipinapangako kong susundin ko ito.
Walang anoman Isabelle. Ipagdadasal kong mauunawaan ka ng iyong mga magulang at pagtutulungan niyo itong lutasin.