" Matutupad iyon Milan! Hangga't maliwanag pa ang gabi. wag kang susuko
gusto ko na maging mabait ka sa iyong kapwa ah
opo!
napakabait mo diwata
" Sa tingin mo ba matutupad ko ang aking mga pangarap? "
bakit kailangan mawala ang aking ama? huhu..hu
talaga po?
Lahat ng nilalang sa mundo ay maglalaho. Sa kalangitan tayo napupunta tulad ng iyong ama
oo!
makikita mo ako na napakaliwanag at iba sa kinang ng bituin
Si Diwata Liwanag ang tanging madalas nagpapakita sa mga bata sa gabing ang mga ito'y nakatingin sa kinang ng bituin at buwan. Isang araw sa baryo Kislap may mga diwatang nagbabantay sa mga mamamayan nito. Naging malapit ang mga bata kay Diwata Liwanag.
Sila ay lumalapit kay Diwata Liwanag para sa mga payo at kwento. Sa dagat nakita niya si Milan. Matibay ang paniniwala siya sa katuparan ng pangarap at sa kabaitan ng puso ng tao at tulad ng payo na ibibigay niya sa bawat bata, kanya rin nitong pinagkukunan ng lakas.
asaan ka Diwata LIwanag?! huhu.. huhu
Ang bawat bata ay hinihipanan niya ng makintab na gintong alikabok na nagsisilbing gabay nito. Mga simpleng bagay ang nagpapangiti sa Diwata. Mahilig ito na lumabas sa gabi upang pagmasdan ang sayaw ng mga bituin kasama ang buwan na kanyang pinagpapasalamat kay Bathala.
Dumating ang isa sa kinatatakutan ng Diwata, ang panahon kung saan babalutin ng kadiliman ang buong baryo. Sa tingin niya ito na ang hamon ng kasamaan sa kanila. Sa pangyayaring ito tanging kabaitan ng puso at kaliwanagan ang tatalo sa kadiliman at kalupitan ng kasamaan.
Bigla nalamang naglaho ang Diwata kasabay ng kanyang pag -alis ang liwanag ay umusbong muli sa baryo Kislap.Natuwa ang mga taga-baryo. Ang mga bata ay nagtaka sa biglaang pagalis ni Diwata Liwanag.Sa isang kubo nagsamasama sila na tumingin sa kalangitan sabay sabay nilang pinagmasdan ito.
Salamat aming Diwata!
Pag sapit ng gabi may biglang may mabilis na liwanag ang sumayaw sa kadiliman sobrang ganda na hindi maikokompara sa milyong milyong bituin na nakita nila.Lahat sila ay naalala si Diwatang Liwanag dahil sa lubos na pagkakahawig nito sa kanya naramdaman nila ang pagasa.