Filipino Comic Strip

Filipino Comic Strip

Storyboard Text

  • Nang mabugbog si Fak, naisip niya na bumawi sa mga gumawa nito sa kanya ngunit sapagdaan ng panahon ay nawala na sa kanyang isip na gawin ito. Minsan ay sinisisi niya pa ang sarili. Naging matindi ang epekto ng pangyayaring ito sa kanya at ramdam niya na para bang wala siyang kontrol sa sarili at naging praning. Unting kaluskos ay nababahala na siya.
  • Gusto kong ipatikim sa kanila ang sakit na binigay nilang sakit saakin. Ako ay maghahasik ng lagim. Sila'y aking susuntukin at magdadala ako ng kutsilya at sila'y pagsasaksakin hangga't sa magmakaawa sila na huwag ko silang patayin!
  • Nagkaroon na ng takot na lumabas si Fak. Nagbago man ang kanyang paligid, nanatili siya sa kung paano siya namumumuhay ng hindi naghahangad ng pagbabago simula ng magkaroon ng kuryente sa kanilang lugar. Sa tuwing siya'y nakakainom, doon lamang niya nararamdaman ang lakas ng kanyang katawan. Hinayaan na lamang din niyang gumawa ng sariling kwento o pagkakaintindi ang iba't ibang tao tungkol sa buhay niya at sa madastrang kasama niya.
  • Hindi na ako madalas lalabas ngayon.
  • Makaraan ang ilang araw...
  • Araw-araw nang nasanay si Fak na uminom at kahit nakakasama ito sa kanyang kalusugan, hindi pa rin siya tumigil. Noong siya ay nawalan ng trabaho bilang janitor, ang pinagkukunan na lamang niya ng kanyang pagkain ay ang naibibigay ng templo sa kanya. Lahat ng kanyang utos ay sinusunod ni Nang. Minsan rin ay may mga sinasabi si Fak sa kanyang pagtulog dahil siya ay lasing at ito'y hinahayaan nalamang ni Nang at hinihintay na bumalik sa mahimbing na pagtulog si Fak.
  • Kung gustuhin ko mang kumain, pupunta nalang ako sa templo. Tanging alak lang naman ang pinaka kailangan ko.
  • Si Fak ay hindi na nagaayos ng kanyang sarili. Ang kalusugan nito ay nasa panganib at lumalabas na ito sa kanyang katawan tulad na lamang ng pagiging dilaw ng kanyang balat pati na rin ng kanyang mga mata. Mas ginugusto na lamang niya na uminom ng alak at huwag kumilos.
  • Alak. Kailangan ko ng alak.
  • Nang matapos ang paggawa ng bagong templo, makaraan ang anim na araw pagtapos ng Pansah, may dumating na grupo ng Kathin upang mag-alay ng robang Kathin sa templo. Si Fak ay natuwa sa araw na ito ngunit siya pa rin ay nakipag-inuman at nang silang lahat ay nalasing na, sila'y sumayaw.
  • Halina't uminom at pagtapos ay sumayaw tayo.
  • Pagtapos ng pagdiriwang ay umuwi na si Fak sa takot na manatili sa labas ng gabi. Ang ilan ay gusto nang itaboy si Fak ngunit hindi ito pinahihintulutan ni Luang Pho. Nagiba na ang hugis ng kanyang katawan dahil sa mga naglabasang pasa at namaga ang kanyang tiyan. Ang kanyang dibdib din ay umalsa. Nagkaroon muli ng pag-uusap tungkol sa kanya sa kanilang lugar at naging biktima siya ng panunukso. Kahit napabayaan na niya ang kanyang sarili, palagi pa rin nitong sinasabi na ayos lang siya.
  • Fak, kailangan mong tumigil ng paginom ng alak.
  • Tignan mo ang iyong katawan.
  • Huwag kayo mag-alala, ayos lang ako.
Over 25 Million Storyboards Created
Storyboard That Family