Si Ken ay isang introvert na bata. Mas pinipili niya ang mag-isa, hindi makihalubilo at makipag-usap sa iba. Lagi siya nakararamdam ng kaba sa tuwing siya ay makikipag-usap, lalo na't hindi niya ito kilala. Isang araw, nakisuyo ang kaniyang ina upang bumili ng kakailanganin sa pagluluto. Alam ng kaniyang ina na nahihirapan si Ken na makipag-usap sa iba, kaya gumagawa siya ng paraan upang masanay ito at magkaroon ng kaibigan.
Hayy....
Paglabas niya sa kanilang pintuan, mayroon siyang nakitang isang sobre na mukhang may lamang pera. Nagdalawang isip si Ken kung ito ba ay kaniyang pupulutin at hahanapin ang may-ari o hahayaan na lamang doon hanga't balikan ng may-ari. Sa huli hinayaan na lamang ito sa lapag at hindi ginilaw.
.
Hindi nasabi ni Ken na nakita niya ito kaya naman nagpasalamat at umalis na lamang ang lalaki. Pagkalipas ng ilang minuto, biglang napaisip at nakonsensiya si Ken sa nangyari. Kung kaya't kumaripas siya ng takbo pabalik sa harap ng kanilang pintuan, at muli niyang nakita ang sobre. Agad naman niyang hinanap ang lalaki upang ibalik ito.
Ahh..o..ahmm..
Iho, may nakita ka bang isang sobre? Hiniram ko lamang kasi iyon para sa operasyon ng anak ko. Nakita mo ba? Mukhang hindi, sige salamat!
Ilang oras pa ang lumipas ng tila nawawalan na ng pag-asa ang lalaki at naiyak na lamang sa nangyari.
Maya-maya'y biglang dumating si Ken, At kahit bakas ang pagod at hingal sa kaniyang pagsasalita, ngiting abot tenga ang makikita sa kaniyang mukha. Inilihad niya ang buong pangyayari sa lalaki at ng matapos na ang kanilang usapan, nagpasalamat sila sa isa't isa at nagtungo na sa magkaibang direksyon upang umuwi.
Opo ako po iyon. Ah, manong, ito po ba ang hinahanap ninyo? Nakita ko po ito.........
Ikaw yung kanina diba iho? .......MARAMING MARAMING SALAMAT SA'YO!
Umuwi ng may ngiti sa labi si Ken at inilahad ang lahat ng nangyari sa kaniyang ina. Laking tuwa ng kaniyang ina ng malaman ito. Magmula noon mas naging palakaibigan at masiyahin si Ken. Lagi din niya tinuturuan ang ibang batang kaniyang kakilala na gumawa ng mabuti sa ibang tao.