Napag-aralan natin kanina sa AP ang Imperyalismo sa Tsina. Tanda mo ang mga dahilan at epekto ng pagpasok ng kanlurang bansa sa Tsina?
Oo mula ng mapasailalim sa pamamahala ng banyaga ng dinastiyang Qing ang mga Tsino.
Pamamahala ng Dinastiyang QingPinamunuan ng mga Manchu ang Tsina mula 1644 hanggang 1912
Nagkaroon ng malaking epekto sa Tsina ang usaping pangkalakalan ng Europa. Noong ika- 18 siglo, patuloy ang pagdagsa ng mga mangangalakal sa imperyo. Kaya nagpatupad ang mga Tsino ng mahigpit na patakaran pangangalakal.
Sa pagpasok ng ika-19 na siglo nagsimulang humina ang dinastiyang Qing dahil sa kawalan ng mahusay na Emperador, mabilis na paglaki ng populasyon at panghihimasok ng mga dayuhan.
Nagkaroon ng una at ikalawang digamaang opyo kung saan nagkaroon ng mga kasunduan.
Pero natalo ang mga Tsino sa digmaang opyo kaya naging epekto nito ay ang paghina ng pamahalaan nila dahilan para samantalahin ng mg kanluranin.
Ninais ng mga Europeo na magkaroon ng pantay na karapatan sa kalakalan. Nanguna ang Britanya sa reporma.
Nangamba ang mag Briton na maubos ang suplay ng pilak sa kanilang bansa kaya naisip nila ang solusyon na sapilitang pagpasok ng OPYO sa Tsina.
Upang maiwasan ang digmaan sa pagitan ng kanluranin, hinati nila ang China sa Sphere of Influence noong 1900 siglo.