Gusto sana kitang tulungan ngunit ako'y nangangamba sa maaaring mangyayari.
Tulong! Pakiusap! Tulungan mo ako makalabas dito. Kung tutulungan mo ako makalabas dito, hindi kita kakainin.Kapag tinulungan mo ako, ito ay magiging utang na loob ko sa iyo.
diba nangako ka sa akin na hindi mo ako kakainin?
Wala na akong pake sa pangakong iyan, ako ay nagugutom na dahil ilang araw na akong 'di kumakain.
Hingin muna natin ang hatol ng puno ng pino bago mo ako kainin.
Anong alam ng mga tao sa pagtanaw ng utang na loob? Mga taon ang ibinibilang namin upang lumaki, kapag malaki na kami pinuputol niyo na kami. Huwag ka nang mag dalawang isip Tigre, Kainin mo na siya
Hintay! Hintay! Hingin muna natin ang hatol ng baka.
Tignan mo, lahat sila ay sumang-ayon sa akin. kaya humanda ka na
Maraming ginagawa sa amin ang mga tao. Pinapahirapan na kami ng mga tao simula nang kami ay maisilang. Hanggang sa kami ay tumanda, kami ay pinapaslang at ginagawang pagkain. Para sa akin, walang duda sa kung anong gawin mo, dapat mo siyang kainin!
Pwede mo ba isalaysay ang mga nangyari bago ako magbigay ng hatol?
Pakiusap Tigre, bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para tanungin ang kuneho sa kanyang hatol.
Ang problemang ito ay nagsimula nang tinulungan mo ang tigre para makalabas sa hukay. Kaya ang hatol ko ay magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat manatili ang tigre sa hukay.