Magandang hapon 'tay! Maari mo ba akong matulungan sa aking takdang aralin?
Tungkol po ito sa mga sistemang pang-ekonomiya.
Oh sige, ano ba 'yon?
Sige anak, tungkol saan ba iyan?
Unang tanong, ano po ang katangian ng tradisyunal na ekonomiya?
Ang tradisyonal na ekonomiya ay nakabatay sa kultura, pangingisada at pangangaso. Ito ay nakasentro sa isang pamilya o tribo. Kung kaya't masasabi nating ito ay simple at bihira lamang ang labis na produkto.
Ikalawang tanong, paano mo po mailalarawan ang pamilihan?
Ang pamilihan ay mahalaga para sa mga prodyuser at konsyumer. Ito ang lugar kung saan nabibili ng konsyumer ang kanyang mga pangangailangan at kagustuhan. Masasabi nating ito ay systematiko at may malayang paglabas at pagpasok sa mga produkto
Ikatlong tanong, sa command economy, sino po ba ang nagplaplano ng ekonomiya?
Sa command economy, ang central planning agencies ang namamahala at nagplaplano sa mga desisyong pang-ekonomiya.
At para po sa huling tanong, bakit na tinawag ang sistemang pang-ekonomiya ng Pilipinas na mixed economy?
Tinawag ang sistemang pang-ekonomiya ng Pilipinas na mixed economy sapagkat, ang ating ekonomiya'y pinaghalong market at command economy. Dito sa Pilipinas, may mga malalayang pamilihan na hindi sakop ng pamahalaan. Mayroon ding mga pamilihan na pag-aari ng pamahalaan.
Salamat po 'tay! Marami akong natutuhan sa ekonomiks ngayon.
Sana ay nakatulong ako sa pagsagot sa iyong takdang aralin anak. Mag-aaral ka nang mabuti palagi.