Mula ngayon dapat kayong matutong magdasal, magsimba at magbasa ng Bibliya.
Nagpatayo rin ang mga misyonerong pari ng mga simbahan kung saan itinuro ang mga kahalagagan ng sakramento ng binyag, kumpisal, komunyon, kumpil, kasal, pagbebendisyon sa maysakit at namatay.
Sumama tayo sa Prusisyon!
Nakita mo naba ang mga imahen at santo?
Malaki ang papel na ginampanan ng Simbahan sa pagpapatupad ng kolonyalismo. Isa sa mga layunin na ito ay paigtingin ang paglaganap ng relihiyon Kristiyanismo.Sa pamamagitan ng kolonyalismo ay maililigtas ang kaluluwa ng mga katutubo sa pamamagitan ng pagtanggap nila sa bagong relihiyon.
Gumamit ng mga larawan ang mga misyonerong hindi pa marunong ng wika ng katutubo. naniwala ang mga ito na higit na magiging mabisa ang paghikayat kung gagamit sila ng wika ng katutubo sa pagtuturo ng relihiyon at doon nabago ang matandang paniniwala ng mga Pilipino at napalitan ng bagong paniniwalang itinuro ng mga misyonerong Espanyol.
Opo, natuto narin po kaming magnobena at magrosaryo!
Dahil na rin sa pagtanggap ng mga Pilipino sa relihiyong Kristiyanismo marami ang pagbabago ang nangyari sa buhay ng mga Pilipino.Ang mga misyonero at ang relihiyong Kristiyanismo ay naging pinakamalakas na sandata sa pagsakop ng mga Espanyol sa PIlipinas.