Wala namang masama sa aking ginawa ngunit sa mata ng mga prayle at Espanya isang malaking pagtataksil iyon na kamatayan ang parusa dahil binigyan ko raw ng inspirasyon ang mga Pilipino na mag himagsik para sa kanilang karapatan at laban sa gobyerno ng Espanya dito sa Pilipinas.
Tunay nga po kayong bayani ng ating bansa dahil sa kabila ng mga sulat mo iminulat mo ang mata ng kapwa Pilipino maging kapalit man nito ang iyong buhay.
Hindi man ito naging makatarungan ngunit masaya na ako na dahil sa mga sulat na aking ginawa ay namulat ko ang mga mata ng aking mga kapwa Pilipino at natuto silang ipaglaban ang kanilang karapatan at maging malaya mula sa kamay ng ating mananakop.
Ano naman po ang naging pagkakasala mo? Masama bang ipaglaban ang ating bansa sa pamamagitan ng sulat?
Oo, iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ko naisipang sumulat ng mga nobela at dahil gusto kong imulat ang mga mata ng ating mga kabayan sa pamamagitan ng pagsulat ko ng aking nobela na Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil gusto kong ilabas ang tunay na ugali ng ating mananakop na pinagsasamantalahan ang ating bansa.