Pagbabalikan kong lahat ng pinagdadaanan natin. Baka sakaling makita ko.
Ano ang nagyayari sa iyo?
Nawawala ang kuwintas!
Isinauli mo sana agad ang kuwintas, baka sakaling kinailangan ko ito.
Mag-iikaapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa ay umuwi. Pagkahatid sa kanila ng dokar, malungkot na umakyat ng hagdan si Mathilde. Magbibihis na sana ito nang mapansin niyang nawawala ang kuwintas.
Mahirap ang aking pinagdaanan at ikaw ang dahilan nito. Noong nanghiram ako sa iyo ng kuwintas, ito'y aking naiwala at bumili ako ng kuwintas na diyamante upang palitan iyon.
O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang, puwit lamang ng baso. Ang pinakamataas na maihahalaga roon marahil ay limang daang prangko.
Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Kaya't naisipan nilang bumili na lamang ng kawangis nito upang may maisauli kay Madame Forestier. Malamig ang pagtanggap ng kaibigan kay Mathilde at hindi na binuksan ang kahon na may lamang kwintas.
Ngayo'y lubos na naunawaan ni Mathilde ang mamuhay sa gitna ng tunay na karalitaan. Pinaalis nila ang kanilang utusan, lumipat ng ibang bahay, nagtiis sila sa pangungupahan sa isang maliit na silid. Paminsan-minsan, kung wala ang asawa siya'y umuupo malapit sa bintana upang sariwain ang mga masasayang alaala.
Isang araw, nakita ni Mathilde ang kaibigan na si Madame Forestier. Siya'y hindi nakilala ng ginang sapagkat ibang-iba na ang kaniyang itsura.