FILIPINO

Updated: 9/18/2021
FILIPINO

Storyboard Text

  • ANG PAGBIBINYAG SA SAVICA
  • Nag-umpisa ang lahat nang nagkahiwalay ang dalawa na si Crtomir at Bogomila dahil sa isang digmaan sa pagitan ng mga Paganong pinapamunuan niya at si Valjhun na isang Kristiyano.Nagkaroon ng madugong labanan na ikinasawi ng karamihan maliban kay Crtomir na nag-iisang nakaligtas.
  • Lingid sa kaalaman ni Crtomir, ang kanya palang kasintahan na si Bogomila ay hindi na alagad ng kanilang diyosa.Sa madaling salita ay hindi na siya Pagano at isa nang Kristiyano.Habang nasa labanan si Crtomir ay ipinapagdasal ito ni Bogomila at nangakong iaalay niya ang sarili sa Panginoon kung ito'y makakabalik ng buhay at ligtas.
  • Pagtapos ng mga pangyayari, muling nagkita ang magkasintahan.Nanikluhod at sinuyo ni Crtomir si Bogomila na magbago ang desisyon at ituloy ang naudlot nilang pagmamahalan ngunit huli na ang lahat, buo na ang desisyon ni Bogomila.Sa halip ay kinumbinsi ni Bogomila na magpabinyag si Crtomir at siya'y maging Kristiyano rin.
  • Sa huli'y pumayag rin si Crtomir at naganap ang pagbibinyag sa Talon ng Savica.Hindi nagtagal, siya ay naging paring Kristiyano at parehas ang dalawa na inialay ang kanilang buhay at pagsisilbi para sa Panginoon.
  • MINITASK 2 -FILIPINO-ipinasa ni: Yaffa Mallorca