Ako ay naniniwala sa ideyang ang tao mismo ang humuhubog ng kaniyang kapalaran.
Sumasalungat ako, dahil malaki ang impluwensya ng kaniyang kapaligiran sa maaaring kahahantungan n'ya.
Subalit kahit ganoon ang sitwasyon, nasa kaniya pa rin ang buong pagdidisisyon sa kaniyang buhay. S'ya ang gumuguhit ng kaniyang buhay.
Hindi mo alam ang sitwasyon na kinakaharap ng mga taong nasa laylayan. Kahit gustong gusto nilang umunlad, malaking hadlang ang kahirapan at kawalan ng suporta para umangat sa buhay.
Hindi pa rin 'yan maituturing na dahilan upang tuluyang malugmok ang isang tao. Napakaraming paraan upang kumita at umunlad sa buhay. Tandaan mo na kapag gusto, may paraan. Kapag ayaw, may dahilan.
Wag mong kakalimutan na ang kahirapan ang pinakamahirap na kalaban at problema ng ating bayan. At kapag ang nagkaproblema ay ang ating bayan, damay lahat ng mamamayan. Kaya hindi mo masisisi ang mga taong hindi nagawang umunlad dahil sa talamak na problema ng kahirapan sa ating bayan..
Siguro ay hindi mo pa alam ang tunay na problemang dala ng kahirapan dahil maayos ang iyong kabuhayan. Alam ko ang sitwasyon na 'yan dahil ako ay nanggaling din d'yan.