Search
  • Search
  • My Storyboards

AP PERFORMANCE TASK

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
AP PERFORMANCE TASK
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Isang hapon ay masayang nagkukwentuhan si Edwin at ang kanyang asawa na si Juanita habang nagkakape.
  • Sa kanilang pagkukwentuhan, bilang napagtanto ni Edwin na lumalaki na ang kanilang mga anak at kailangan na nila ng mas malaking income upang masuportahan ang kanilang pag-aaral.
  • 
  • Mahal, lumalaki na ang mga bata kaya ibig sabihin kailanagn na nating mag doble kayod para matustusan ang mga pangangailangan nila.
  • 
  • Kaya nga, lalo na't sa private school pa sila nag-aaral at tumataas narin ang mga bilihin ngayon.
  • Kaya kinagabihan ay nag-usap sila tungkol dito ng mas masinsinan at napagdesisyunan ni Edwin na subukin ang kanyang kapalaran sa pag-aarbroad.
  • 
  • Kung subukan ko kayang mangibang bansa mahal? Tiyak na mas malaki ang sahod doon.
  • Mabigat man sa damdamin para sa kanyang asawa na pansamantala silang mawawalay sa isa't-isa ngunit pumayag nalamang din ito sapagkat hindi rin niya kayang suportahan ang kanilang mga anak sa sinasahod nya.
  • 
  • Mamimis ka namin ng sobra mahal lalo na ng mga bata ngunit kung ito man ang tanging paraan upang maibigay natin ang mga pangangailanagn nila ay susupotahan kita sa desisyon mo.
  • 
  • Maraming salamat sa paguunawa mahal. Hayaan mo pagnakaipon na tayo, hindi na ako babalik sa abroad.
  • Nag-apply si Edwin bilang isang foreman sa Saudi at sa kabutihang palad, siya ay natanggap.
  • Sige po ma'am maraming salamat! Ipagdasal nyo pong sana'y pagpalain ako.
  • 
  • Sir, kayo napo ang kasunod sa interview.
  • 
  • Habang kumakain si Edwin at ang isa niyang katrabaho sa kanilang tinutuluyan, bigla itong may sinabi. At sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaproblema ang kumpanyang pinapasukan nila.
  • 
  • (4) Naku! Mukhang delikado narin tayo. Hindi nga ako nakapagpadala nung isang buwan dahil ang sabi nila sa akin sa ngayong buwan nalang daw nila ito ibibigay. Eh lagpas a-kinse na ngayon. Wala parin.
  • 
  • (3) Nanggaling kasi ako sa opisina kanina at narinig ko mula sa ibang mga empleyado na hindi paraw sila nasasahuran. Tatlong buwan na.
  • 
  • (2) Ang alin?
  • 
  • (1) Pre nabalitaan mo ba?
Over 30 Million Storyboards Created