Lubhang naghirap si Edwin sa panahong iyon sa ibang bansa pati narin ang mga kasamahan niya sa trabaho na kapwa rin niya Pilipino.
Hayss... paano na kaya ako makakapagpadala nito sa Pilipinas? Kumusta na kaya sila doon? Maayos lang ba sila? Nakakain lang ba sila?
Nagkaroon ng kaguluhan sa kanilang opisina at nagbalak na magprotesta ang ibang mga empleyado.
Nasaan si Manager?! Palabasin niyo siya! Hindi ito tama ang ginagawa niyo!
Ayusin nyo ito sa lalong madaling panahon! Kung hindi ay magpoprotesta kami dito!
Oo nga! Ilang buwan na kayong nangangako ngunit hanggang ngayon wala parin kaming sahod! May pamilyang umaasa sa amin sa Pinas!
Makalipas ang ilang buwan ay sawakas nabigyan narin sila ng sapat na benepisyo sa tulong ng POEA.
Buti naman at napakinggan na nila ang ating mga hinaing. Malaking pasasalamat rin natin sa POEA dahil tinulungan nila tayong ipaabot ang ating mga reklamo.
Aba'y dapat lang! Karapatan natin ito dahil pinagsisilbihan natin ang kanilang kumpanya ng maayos.
Nahirapan ng bumangon muli ang kanilang kumpanya kaya minabuti na lamang ni Edwin na umuwi na sa Pilipinas.
Nasasabik na akong muling makita ang pamilya ko sa Pinas. Namimis ko na ring kumain ng mga pagkaing Pinoy.
Kumalma lang kayo mga anak. Alam kong mis na mis nyo na si Papa kaya yakapin nyo siya kaagad ng mahigpit. (3)
Sabik na sabik narin ang kanyang pamilya sa kanyang pag-uwi kaya sinalubong nila ito sa airport.
(2) Ako din! Sabik narin akong buksan ang mga pasalubong niya para sa atin!
(1) Excited na excited na akong muling makita si Papa!!
Ngayon ay kapiling na nila muli ang isa't-isa at nagdesisyon nalamang si Edwin na dito nalang magtrabaho bilang isang foreman.