Search
  • Search
  • My Storyboards

esp

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
esp
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Congrats Maya! Sinabi sa akin na na-promote ka raw bilang punong tagapamahala ng kompanya natin. Bilib talaga ako sayo!
  • Naku, maraming salamat Via! Hindi ko nga inaasahan na ako ang mapipili ni sir sa dami nating magagaling dito. Kaya pangako na gagawin ko lahat ng aking makakaya upang maging mabuting tagapamahala ninyo.
  • Uy alam mo ba? Balita ko na-promote lang daw si Maya kasi matagal na silang magkababata ni Sir Jace kaya ginamit niya yung pagiging malapit nila para magpakitang-gilas at pakiramdam ko inakit din niya si sir para mapunta sa kanya yung posisyon na yon. Ewan ko ba kung anong nasa utak ng boss natin!
  • Hala, totoo ba? Malandi pala ang babaeng iyan! Marami pa namang mas maganda at magaling kaysa sa kanya tulad ni Julie, mas mabuti sana kung siya nalang ang itinaguyod sa posisyon na iyon. Hindi tulad ng isa diyan na pagiging sipsip lang ang alam.
  • Oo alam ko, Via. Hindi naman ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nila dahil higit kong kilala ang sarili ko at wala akong ginagawang mali. Sadyang hindi ko lang maintindihan kung bakit sila gumagawa ng mga huwad na impormasyon tungkol sa isang taong hindi naman nila lubos na kilala. Ako'y naaawa sakanila dahil sila lang ang sumisira sa kanilang mga sarili at pati na rin sa ibang taong maaari pa nilang maapektuhan.
  • Iniisip mo ba parin ang mga nasabi ng mga chismosang yon kanina, Maya? Alam mo namang walang katotohanan ang mga iyon, hindi ba?
  • Hay, hindi talaga natin maiiwasan ang ganyang mga tao. Nagseselos sila dahil nasa iyo ang mga bagay na kanilang inaasam. Imbes na kilalanin ang emosyon na kanilang nararamdaman at pagbutihin ang kanilang pag-uugali ay mas gugustuhin nilang manisi o manira ng iba.
  • Oo nga, kaya't mabuting hindi nalang sila patulan dahil lalo lang nila tayong hindi titigilan at wala rin itong madudulot na kabutihan sa atin. Hindi dapat sila maging dahilan upang maapektuhan ang ating kumpiyansa o lumikha ng pagdududa sa ating sarili dahil ano mang sabihin o gawin nila, ay hindi ito sumasalamin sa tunay nating pagkatao.
  • Binabati muli kita, Maya! Hanga ako sa iyong katapangan at kabaitan. At tsaka, bukas nalang natin sila kausapin patungkol sa nangyari kanina. Mag-iingat ka!
  • Maraming salamat, Via! Ninanais ko rin silang makausap upang maresolba ang anumang problema sa pagitan namin. Nagtitiwala akong magiging maayos din ang lahat. Paalam at mag-iingat ka rin!
Over 30 Million Storyboards Created