Tungkol ito sa isang batang babae na sa tantiya ko'y labing-isang taong gulang.
Mahirap makalimutan ang pangyayari ito na naganap sa isang restorant.
Napansin kong nakatingin siya sa labas ng restorant habang kinakagat ang hawak na burger.
Sinundan ko ang kanyang tingin at naaninag ko sa kabila ng salamin ang isang matandang babaeng nakatayo sa labas at nakatingin sa mga kumakain
Hanggang nabigla ako,pati ang nanay at kapatid na lalaki ,nang biglang hawakan ng bata ang kanang kamay ng matanda at hinalikan sa noo!
Dahil medyo magkalayo ang mga mesa namin,naulinigan ko lamang na sinabi niya sa kanilangnanay na order pa siya ng isang burger.
Pumayag naman agad ang ina.
Nang maabot ng waiter ang order na burger na may kasamang isang baso ng pineapple juice
anupa't biglang tumayo ang batang babae.Bitbit ang burger at pineapple juice.
mabilis siyang lumabas ng restoran,lumapit sa matandang babae,at inabot dito ang mga hawak na pagkain.
Mula sa kinauupuan,kitang -kita kong matagal-tagal ding tinitigan ng matanda ang bata.Napansin kong gumuhit ang matamis na ngiti sa mga labi ng matanda at marahang tumulo ang luha sa kanyang mga mata.
Noon niyakap at hinalikan ng ina ang anak na babae,sabay sabi ,"Ganyannga, Anak!
Hindi nakuhang magtanong ng ina kung bakit ginawa iyon ng anak sa matanda.