Search
  • Search
  • My Storyboards

Anekdota Komik Strip

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Anekdota Komik Strip
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Dalawang linggo na ang nakalipas...
  • Sa bahay...
  • Gabi ng Linggo...
  • 1st
  • Oo! O, 'di ba? Sabi ko sa 'yo na kayang-kaya mo! Tingnan mo ngayon, ikaw pa ang nanalo!
  • Ahh! Ang saya! Siguraduhin mo na nandiyan ka mamaya para sa awarding ceremony. Pagbati!
  • Anak! Nanalo ka! 1st place! Nagustuhan ng mga huwes, pati na rin ang buong faculty, ang gawa mo!
  • HAH!? T-Talaga po ba!?
  • Y-yes po! Salamat po!
  • Congratulations, anak! Kita mo? Kabadong-kabado ka noon, pero nanalo ka naman!
  • Eh, kasi naman... Ayaw mong maniwala sa sarili mong kakayahan! Sa susunod, magtiwala ka sa sarili, ha?
  • Ma! Tingan mo! Nanalo ako sa essay writing contest! Hindi ko maniwala! Akala ko talga hindi ako mananalo!
  • Opo, ma!
  • Hehe, oo nga. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinabahan...
  • Alam mo, mga guro mo, ako, yung Papa mo, yung mga kapatid mo, at yung mga kaibigan mo... Lahat kami'y naniniwala sa 'yo. Ikaw lang ang tanging hindi naniniwala sa sarili mo.
  • Paano mo malalaman ang resulta, kung hindi ka susubok? Makikita mo bukas na kayang-kaya mo talaga! Matulog ka na, ha? Mahal na mahal kita.
  • Eh Ma, paano ba naman... Hindi pa ako handa... Ayaw ko namang biguin ang aking mga guro...
  • Haha! Hayyy, anak. Buong weekend nalang, ganyan yung mukha mo. Bakit ka ba sobrang takot? Isang oras lang naman yung paligsahan.
  • Salamat talaga, ma. Lagi mong pinapagaan ang aking pakiramdam. Mahal na mahal din kita. Matutulog na ako. Goodnight.
  • Kaya 'ko 'to!Kaya 'ko 'to!
  • Lord, humihingi lang po ako ng tulong at gabay para sa paligsahan bukas. Alam ko po na lagi kang nandiyan para sa akin, kaya sana gabayin mo ako bukas para hindi ako kakabahan. Amen.
  • Lunes, araw ng paligsahan...
  • Kayang-kaya 'ko 'to!Kayang-kaya 'ko 'to!
  • Hinga lang...Hinga lang, EJ, kaya 'mo 'to!At kung hindi ka man manalo... Okay lang 'yan! Sabi ni Mama na ang importante lang ay sinubukan mo!KAYA 'MO 'TO!
Over 30 Million Storyboards Created