(3) Maganda nga ang kaniyang hangarin, pero kulang na kulang ang kaniyang kaalaman sa pagpapatakbo ng bansa. Hindi talaga siya puwede.
(2) Si Pacquiao! Dahil nais niyang makatulong sa mga mahihirap.
(1) Uy p're, papalapit na ang eleksiyon. Sino ang iyong napupusuan na kandidato sa pagkapangulo?
(3) Diba si Leni ay papet ng ng mga tiwaling dilawan? At si Isko naman ay alaga ng mga komunista. Ba't kayo boboto sa mga iyan?
(2) Kay Leni ako!
(5) Oo nga!
(1) Ako kay Isko!
(4) Sigurado ka diyan? Meron ka bang pruweba?
(3) Eh hindi naman 'yon napapatunayan hanggang ngayon at wala namang nakikitang ebidensiya laban sa kanila.
(1) Marcos lang malakas!
(2) Eh diba sinasabi ng ilan na ang kanyang ama ay isang diktador daw? At meron daw silang ninakaw na mga kayamanan?
(1) Sino'ng boboto rito kay Bato? Kay Lacson?
(5) Paumanhin po.
(2) Malabo naman silang manalo dahil hindi naman sila gaanong malakas sa mga tao pati na rin sa sarbey.
(3) Hay nako sa inyo mga bata. Puro kayo batikos at paninira. Hindi na tama 'yan.
(4) Pasensiya po.
(1) Ikaw Joe? Kanina ka pa tahimik d'yan ah. Sino ba ang iboboto mo?
(2) Oo nga Joe.
...
Yan. Tama yan Joe. Kaya kayo mga kabataan, pag-isipan niyo'ng mabuti ang inyong iboboto. Dahil sa inyong mga boto nakasalalay ang kinabukasan ng ating bansa.
Para sa akin, hindi importante kung sino ang malakas sa mga tao at kung ano ang mga isyu na nakapaligid sa isang kandidato. Ang importante ay dapat iboto natin ang kandidato na sa tingin natin ay tapat sa kanyang mga pangako at tungkulin, may malasakit sa mga mamamayan, at may bisyon at misyon na paunlarin ang ating bansa.