Marunong na ako ng gawaing bahay inay.Kaya ko na po iyan.Huwag ka magalala.
Si Aling Rosa ay isang balo.May sampung taong gulang na anak na si Pina.Kaisa isa nya itong anak kaya't gusto niya itong matuto ng gawaing bahay.
Tinuturan si Pina ng kaniyang ina ngunit sinasabi niya na marunong na siya kaya't pinapabayaan na lamang siya ng kaniyang ina.
Ikaw ay napakabulag. Sana'y magkaroon ka ng maraming mga mata para mahanap mo ang sandok at hindi na magtanong pa.
Isang araw, sumama ang pakiramdam ni Aling Rosa. Napilitan na naman gumawa ng gawaing bahay si Pina.Tumagal ang masamang pakiramdam ni Aling Rosa.
Inutusan ni Aling Rosa ang anak na si Pina na magluto dahil siya'y may sakit.Hindi agad nakapagluto si Pina dahil hindi niya mahanap ang sandok. Itinanong niya pa sa ina kung nasaan ito nakalagay. Nagalit ang ina sa anak.
Siya ay napagalitan ng ina dahil sa hindi pagsunod sa kanyang utos. Umalis si Pina para hanapin ang sandok ngunit kinagabihan ay nabahala si Aling Rosa dahil hindi apa umuuwi ang anak.
Isang umaga may nakitang kakaibang halaman si Aling Rosa sa kaniyang hardin.Nuon niya lang nalaman na gumana ang kaniyang hiling. Nagsisi siya at inalagaan niyang mabuti ang halaman sa hardin. At pinangalanan niya itong Pinya.
Pina???Ikaw ba yan???Ang pinakamamahal kong anak.