Humingi ng pahintulot ang mga dalaga sa ama ngunit hindi siya pumayag.Isang araw,habang nangingisda ang kanilang ama,nakaisip ng masamang pasiya ang mga dalaga.Sumama ang mga dalaga sa mga binata palayo sa kanilang tirahan dala ang kani-kanilang pansariling damit
Ako din!
Ako din!
Sasama ako sa aking kasintahan,sa ayaw at sa gusto ni Ama!
Natanaw ng amang nangingisda ang bangka ng mga binata sakay ang kanyang pitong dalaga.Hinabol niya ito ngunit mabilis ang bangka kaya hindi na niya ito nahabol. Ang nagawa na lamang ng ama ay lumuha at wari'y nakidalamhati din ang kalangitan dahil ang maliwanag na sikat ng araw ay naging matatalim na kidlat at malalakas na ulan.Walang nagawa ang matanda kundi ang umuwi na lamang.
Mga anak,huwag kayong umalis.Bumalik kayo!
Maagang pumalaot ang matanda na umaasang mahahabol nya pa ang malaking bangka.Nagtaka siya dahil nagkaroon ng malilit na isla ang kahapon nya lamang na pinangisdaan.Nang siya ay papalapit,laking panlulumo nya ng makita ang mga sira-sirang bahagi ng bangka.Binilang niya ang mga isla at ito ay pito!Ang kanyang pitong anak na dalaga ay naging isla na lamang.Tinawag itong Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan.