Anna siguraduhin mong mauubos mo ang iyong baon ha?
opo mama
Matagal ang araw ni Anna at kaniya ng iniisip lahat ng gawain na ipinapagawa sakanila kasama na ang groupings nila para sa isang proyekto sa asignaturang edukasyon sa pagpapakatao.
Makalipas ang ilang oras pagkatapos ng kanilang klase ay dumeretso si Anna at ang kaniyang mga ka grupo sa librarya para mapag usapan nila ang gagawin nilang proyekto. Hindi nagtagal ay nag ring na din ang bell hudyat na oras na para kumain.
Oh Anna bakit hindi ka pa kumakain? malapit na matapos ang recess bakit ay may ginagawa ka riyan?
Ako kasi ang napiling lider sa grupo namin at kailangan ko matapos ang parte ko para makapagsimula na ang aking mga ka grupo.
Natapos na ang klase at pauwi na si Anna. Nasa loob siya ng school bus at iniisip parin ang gawaing pang proyekto niya. Pagod na pagod na siya at tila bang hindi niya na napapansin ang mga nangyayari sa paligid niya.
Nang makauwi agad na umakyat sa kwarto si Anna. Niligpit niya ang kaniyang gamit at doon niya nakita ang baon na inihanda sakaniya ng kaniyang ina bago pumasok sa iskuwelahan.
Hala! hindi ko nakain ang naihandang baon sa akin ni mama, binilinan niya pa naman ako na ubusin ito. Ano na lang ang gagawin ko? siguradong magagalit si mama pag nalaman niya.