ANG ALAMAT NG BORACAY PART 2

ANG ALAMAT NG BORACAY PART 2

Storyboard Text

  • Nagalit ang mg magulang ni Tabora dahil sa kanyang pakikipagrelasyon sa isang mortal.
  • Patawad po Ama at Ina. Mahal ko po ang taong mortal na si Lancay.
  • D ba mahigpit naming pinagbabawal na magpakita ka sa mga tao?
  • Maaari kang mapahamak kapag nalaman ng mga tao na isa kang diwata!
  • Ikinulong ng mga magulang si Tabora sa kaharian ng mga diwata upang hindi na makapunta sa lupa. Araw-gabi siyang umiiyak at tinatawag ang pangalan ni Lancay.
  • Ayoko nang mabuhay kung hindi kami magkakatuluyan ni Lancay.
  • Huwag kang magsalita ng ganyan Tabora.
  • Dahil sa sobrang kalungkutan, si Tabora ay nagkasakit hanggang sa mamatay. Nalungkot ang buong kaharian ng mga diwata.
  • Si Lancay ay patuloy sa paghihintay kay Tabora sa may tabi ng dagat. Ngunit isang araw, bigla na lamang nawala sa isla si Lancay.
  • Mahal kong Tabora, umaasa akong magkikita tayong muli.
  • Lumipas ang mga taon, ang mga luha ni Tabora ay naging puting puti at pinong-pinong buhangin sa dalampasigan ng isla. Sa huli, ang isla ay tinawag ng mga tao na Boracay bilang pagkilala kila Tabora at Lancay.
  • BORACAY
  • Hanggang sa ngayon, dinarayo ng mga tao ang isla ng Boracay upang makita ang puting puti at pinong pinong buhangin sa dalampasigan.
  • IT'S MORE FUN IN BORACAY!!
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family