Ano naman po itong pinapalabas ngayon sa telebisyon? TV Patrol naman po ang nakalagay.
Ang TV Patrol naman, anak, ay isang Philippine broadkast ng balita sa telebisyon na ginawa ng ABS-CBN News na pumalit sa Balita Ngayon.
Ang dahilan sa paglikha ng TV Patrol ay napagtanto ng lumikha nito na oras na para ibigay sa mga manonood ang mga balitang gusto at kailangan nila pagkatapos ng ilang dekada na balitang kontrolado ng pamahalaan ang nailalahad. Unang inilabas ito noong Marso 3, 1987 ng ika-6 ng gabi sa Channel 2.
Sino-sino naman po ang mga tagapagbalita sa TV Patrol, at ano-ano pa po bang impormasyon ang maaari niyong ma-kwento tungkol dito?
Ang pinaka-unang tagapagbalita ng TV Patrol ay sina Noli de Castro, Frankie Evangelista, Korina Sanchez, Ted Failon, Karen Davila, at marami pang iba. Ang programang ito ay buong hinahatid sa wikang Filipino. Madalas din tinatalakay dito ang pang-araw-araw na buhay ng masa, mga ulat tungkol sa krimen, presyo ng mga bilihin, lagay ng panahon, showbiz at sports.
Wow! Nang sinabi niyo po ang ilang impormasyon at importansya ng balita sa telebisyon, interesado na rin po ako manood nito kasama kayo.
Mabuti iyan, anak. Mahalagang may kaalaman tayo sa katotohanan at sa mahahalagang impormasyon sa pamamagitan ng mga balita.