Habang sumasagwan sa Elias patungo sa San Gabriel ay nangungusap siya kay Ibarra
HInikayat ni Ibarra na sumama ito sa kanya ngunit tinanggihan siya ni Elias, Ipinagpatuloy nila ang kanilang pag-uusap
Ang mga mata ko'y nakikita na ang nasusuklam na bulok na nagwawasak ng ating lipunan at nagangailangan ng lunas. SIla ang lumikha sa aking pagiging salarin!
Lakad! Huwag kang magpapasakay sa iyong bangka dahil may nakatakas na bilanggo at kung mahuli mo ito'y dalhin mo dito at bibigyan kita ng pabuya
PInahiga ni Elias si Ibarra sa barko para siya'y maitago dahil pinatigil sila ng mga bantay
DI na po ba magbabago ang inyong pasya?
Hindi na! Isinusumpa ko sa ngalan ng aking ama! Gigisingin ko ang mga nahihimbing at ipalilimot ko sa kanila ang kanilang mga kapatid. Sasabihin kong labanan ang pang-aalipin sapagkat karapatan ng tao ang humanap ng kalayaan!
nang makalayo na sila ay nagusap muli si Ibarra at Elias
Nag-uumaga na nang sila'y sumapit sa tahimik na lawa ngunit mula sa malayo'y nabanaagan nila ang lumalapit sa kanila
Iyan ang palwa. Humiga kayo nang matakpan ko kayo ng bayong
Sinalak ni Elias na magbalik sa Pasig, ngunit natanaw niya ang isang bangkang may lulang guwardiya sibil. Ipinihit niya ang bangka at sumagwan ng matulin
ako'y sisisid na palayo sa inyo upang sila'ligawin. Magpapahabol ako. Bahala na kayo magligtas sa inyong sarili kapag nailayo ko na sila sa inyo. Magkita tayo sa Noche Buena sa libingan ng inyong nuno
Tinugis ng palwa at ng bangkang humahabol si Elias at sa tuwing lilitaw ay binabaril. Pagkaraan ng kalahating oras, nakita ng mga namamangka ang pagkakulay-dugo ng lugar na piangbarilan kay Elias kaya umalis ang mga humahabol.