"Maghintay lang tayo, bibiyayaan rin tayo ng Diyos ng anak. Wag ka ng malungkot."
Buntis ako!
Sa wakas! Salamat sa Diyos!
Kumusta po ang pagbubuntis ko, doktora? Maayos lang ba ang kalagayan ko?
Nakaakranas ka ng Ectopic pregnancy, Misis. Ikinalulungkot kong sabihin ngunit kailangan kang maoperahan kaagad upang maprotektahan ang iyong buhay.
"Sobrang tagal natin itong hinintay pero mawawala lang ng ganito? Bakit?
"May plano ang Diyos. Magtiwala lang tayo sa kanya. Ang importante ay ligtas ka."
Lumipas ang tatlong taon at ipinagpatuloy na lamang niya ang kanyang pagtuturo at ang kanyang asawa naman ay itinuloy ang pagsakay sa barko. Ngunit hindi sila nawawalan ng pag-asa na muli sila bibiyayaan ng anak.
At hindi nga naglaon ay muli siyang nagbuntis. Sa kasalukuyan ay may dalawa na silang anak at masayang namumuhay ng magkakasama.
"Mabuti na lamang at nagtiwala tayo sa Diyos. Maraming salamat sa kanya at ibinigay niya sa atin ang pamilyang ito."