Noong araw,magkaibigang matalik ang manok at ang uwak.Madalas dumalaw ang uwak kay inahinat makipaglaro sa mga sisiw nito
Isang araw,sa paglalaro nila,napansin ng manok na may magarang singsing ang uwak.
Sige iiwan ko muna ito sa'yo. Bukas ko na lang kukunin uli.
Uy pahiram naman ng singsing mo ang ganda- ganda!
Naglalakad ang inahin at tuwang tuwa na ipinakikita sa ibang hayop ang singsing niya ng lumapit ang isang tandang
Sa kapipilit ng tandang,itinapon ng inahin ang singsing.
Bakit mo suot iyang di sa iyo?Itapon mo ang singsing!
Kinabukasan,napansin agad ng uwak na hindi suot ng manok ang singsing.
Ewan ko.Naglalakad lang ako ay bigla nalang nawala sa mga kuko ko.
Nasaan ang singsing ko?
Nahalata ng uwak na nagsisinungaling ang manok dahil nanginginig ito.
Alam ko ,itinapon mo siguro dahil ayaw mo na sa akin.Hanapin mo iyon at ibigay mo uli sa akin.Hangga't hindi mo naibibigay huhulihin ko ang mga sisiw mo.
Sa takot ng manok na makain ang kanyang mga sisiw, hinanap niya ang singsing. Matagal siyang naghanap sa singsing hanggang sa mahanap niya ito. Isinauli nya ito kay uwak at nangako ang manok sa sarili niya na hindi na siya manghihiram ng gamit ng iba. naging magkaibigan na uli ang manok at uwak.