Ako ay nagmamay-ari ng maraming lupain, subalit patuloy ang pagsalakay ng mga barbaro. Kung kaya't nais ko na ibahagi sa kagaya mong Lord ang ilan sa aking mga lupain. Kapalit nito ay proteksiyon, mga payo, at pera.
Mahal na hari.. ang ibig mo bang sabihin ay kukuhanin mo ako, at gagawin mo na vassal?
Oo, ganoon na nga. Ang lupang ipagkakaloob ko sa'yo ay tatawaging fief. Ako rin ay maaari mong tawaging 'Panginoong may lupa'. Ang ibibigay ko na lupa sa iyo ay maaari mong pagkakitaan, o kaya'y ipamahagi rin kapalit ng proteksyon.
Salamat, Panginoong may lupa! Makaka-asa kang maibibigay ko sa iyo ang proteksiyon, mga payo, at pera na iyong hinahangad.
Panginoong may lupa, narito ako ngayon sa iyong harapan upang mangakong magiging isang tapat ako na tauhan. Pinapangako ko rin na pangangasiwaan ko nang maayos ang ibinahagi mong lupa, at ika'y makakasiguradong palagi kang may proteksyon.
Maraming salamat po, Panginoong may lupa!
Tanggapin mo itong inihandog ko na isang tingkal ng lupa para sa iyo. Ito ang magiging simbolo ng ating kasunduan.
Magandang araw sa inyo, mga kabalyero! Nais kong ibahagi sa inyo ang lupaing ipinagkaloob sa akin ng hari. Inaasahan ko na ang kapalit nito ay ang proteksiyon ko, pati na rin sa hari.
Maraming salamat sa ipinagkaloob mo na ito, Lord! Asahan mong pamamahalaan namin ang lupaing ito nang maayos.
Ipapasaka namin ang lupaing ito sa mga peasant, upang kahit papaano ay magkaroon sila ng mga pagkain.
Ipapasaka ko sa inyo ang lupaing ibinahagi sa amin ng Lord. Wala kayong sweldong makukuha rito, tanging mga pagkaing inyong aanihin lamang ang maaari ninyong kuhanin, nang sa gayon ay mayroon pa rin kayong makain sa araw-araw.