Pwedeng pwede, Kaibigan. Pero bago tayo mag simula, ba't 'di muna tayo pumasok sa loob para makapag-relax na din tayo?
Maari ba ako mag tanong tungkol sa Monopolyo?
Magandang ideya 'yan, tara!
Ang pangalawa naman ay ang Imperfectly Competitive Market (ICM) o pamilihang hindi ganap na kompetisyon. Ang estrukturang ito ay salungat sa ideya ng isang modelong pamilihan. Tinagurian din itong di-ganap na kompetisyon dahil may direktang kontrol at may kapangyarihang manipulahin ng prodyuser ang presyo ng produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan.
May dalawang uri ang Istruktura ng Pamilihan. Una, ay ang Perfectly Competitve Market (PCM) o may ganap na kompetisyon. Kinikilala ang istruktura na ito bilang modelo o ideyal at sa pamilihang ito ay wala ni sino man ang makakapag-dikta ng presyo mapa-konsyumer man o prodyuser.
Bago tayo pumunta sa Monopolyo, pag-usapan muna natin ang Istruktura ng Pamilihan.
Sige, Kaibigan.
Ang produktong tinutukoy ay may kakaibang katangian: walang kagaya sa merkado, isang pangangailangan, at walang diretsong kapalit. Sa makatuwid, may kontrol ang mga monopolista, negosyante na nagmamay-ari ng isang monopolyo, sa malaking porsyento ng kalakalan, at maaari nilang taasan ang presyo ng kanilang binibenta upang makakuha ng mas mataas na kita.
Ang monopolyo ay isang klase ng sistemang pangangalakal kung saan tanging nag-iisang korporasyon ang nagtitinda ng isang produkto. Sa kabilang banda, marami namang mga mamimili ang nagnanais sa produktong iyon.
Sigurado naman na alam mo na ang mga iba't-ibang anyo na bumubuo sa ICM at PCM na istruktura maliban sa Monopolyo, tama? Ngayon pag-uusapan na natin ang Monopolyo.
Kadalasan din ay may patent o copyright ang isang monopolyo upang maprotektahan sila at hindi magaya ng iba ang kanilang produkto.
At ang halimbawa ng monopolyo ay ang mga kompanya ng kuryente at tubig.
Walang anuman, Kaibigan.
Iyon lang lahat, Kaibigan. Sana may natutunan ka at sana naging tulong ako sa'yo.
Maraming salamat talaga, Kaibigan. Hinding hindi ko talaga ito makakalimutan.
Malaking tulong talaga ito sa'kin, kaibigan, lalo na't may paparating kaming pagsusulit/exam.