Sa totoo lang ay ito ang sinadya ko rito. May importante akong sasabihin sa iyo.
Ayos lang, Mathilde. Ikaw? Napansin kong masyado ka ng maraming puting buhok at mga kulubot sa mukha. Anong nangyari sa iyo?
Sige ngunit pumasok ka muna sa aming tahanan nang doon tayo makapagusap.
Naalala mo ba iyong kuwintas na hiniram ko sa iyo noong nakalipas na sampung taon?
Maupo ka riyan. Ano iyong sasabihin mo?
Iyong sinauli ko sa iyo na kuwintas noon ay nagkakahalagang apat na libong frances. Binayaran ko iyon sa loob ng sampung taon. Nagtrabaho ako ng higit pa sa dalawa upang mabayaran iyon
Hindi ko naman sinasadyang mawala iyon. Ang kuwintas na iyon ang rason kung bakit ako nagkaganito
Sa tingin ko ay natutunan mo na ang leksyon mo, Mathilde.
ANO?!
Matagal na kitang pinagmamasdan at napansin kong hindi ka nakukuntento kung ano ang mayroon ka. Sinadya ko lahat ng nangyari upang matutunan mo ang iyong leksyon.
Hindi ko ginawa iyon upang pahirapan ka. Sa totoo lang ay alam ng asawa mo kung ano ang totoong nangyari
Alam ko na kung ano ang tama at mali. Napagtanto ko na kailangan natin makuntento sa kung ano ang ibinibigay sa atin. Salamat sa iyo.
Nagagalak akong malaman na ikaw ay natuto na sa iyong pagkakamali. Hayaan mo, iyong oras na inilaan mo upang mabayaran iyong kuwintas ay papalitan ko. Salamat at natuto ka na, Mathilde.