Isang-araw, Noong ako ay nasa Ikawalong baitang, Nagmamadali akong maghanda sa pagpasok sa paaralan dahil nahuli ako ng gising. Biyernes iyon at Hindi na ako makapaghanda ng maayos dahil kailangan kong magmadali sapagkat mahuhuli ako sa klase.
Matapos ang flag ceremony, habang nakapila pa ang iba kong kamag-aral, Dali dali akong tumakbo sa banyo ng paaralan upang ayusin ang aking damit
Bago magsimula ang flag ceremony nakipag-kwentuhan muna ako sa aking mga kaibigan nang mapansin ng isa sa aking kamag-aral ang aking damit
"Hannah baliktad ang iyong pantalon, nasa likod ang disenyo nito"
"Hindi ko na maaayos, magsisimula na"
"Ayusin mo nalang"
"Okay lang 'yan, bagong estilo HAHAHA!"
Sa pagtalikod ng ibang mag-aaral para tumungo sa kanilang mga silid-aralan, Nasaksihan nila ang pagtakbo ng isang estudyanteng babae patungo sa banyo upang ayusin ang kanyang baliktad na pantalon. Hindi po humihilab ang tiyan ko, Aayusin ko lamang po ang pantalon ko kaya ako tumatakbo.
Magmula noong araw na iyon, Sinisigurado ko lagi na tama at presentable ang aking kasuotan. Natuto akong gumising ng mas maaga upang hindi ko na kailanganin magmadali sa aking pag-aayos.