Search
  • Search
  • My Storyboards

PANITIKAN

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
PANITIKAN
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, sa pulo ng Mindanaw ay walang kapatagan kundi puro kabundukan. Sa kabundukang ito nanirahan nang payapa at maligaya ang mga tao.
  • Isang araw, sila'y ginambala ng apat na halimaw. Si Kurita na may katangi-tanging lakas at maraming paa. Si Tarabusaw na napakapangit at nakatira sa bundok Matutum. Si Pah na may pitong ulo at may oitong pares ng mata.
  • Sa kaharian ng Mantapuli ay nabahala si Haring Indarapatra nang malaman niya nag paghihirap at takot na dinadanas ng mga tao dahil sa mga halimaw. Ipinatawag niya ang kapatid niyang si Prinsipe Sulayman at inutusan niya itong ipaghiganti ang mga buhay ng mga nasawi.
  • Binigyan ni Indarapatra si Sulayman ng singsing at espada na gagamitin niya sa pakikipaglaban sa mga halimaw. Ibinitin din ng hari ang isang halaman sa bintana na siyang magsasabi sa sasapitin ni Sulayman.
  • Unang pinuntahan ni Sulayman si Kurita sa Bundok Kababalan. Nang hanapin niya ang halimaw, nayanig ang buong kabundukan at lumitaw si Kurita. Naglaban ang dalawa hanggang sa natalo niya ang halimaw.
  • Isinunod niyang puntahan si Tarabusaw sa Bundok Matutum. Nakita ni Sulayman mula sa tuktok ng bundok ang maraming buhay na nasawi. Hinamon ni Sulayman na lumabas si Tarabusaw. Makalipas ang mahabang paglalaban, nagapi ni Sulayman si Tarabusaw. Itinarak ni Sulayman ang espada sa dibdib ng halimaw.
Over 30 Million Storyboards Created