Hiniling ni Rebo na ipagdiwang ang kanyang kaarawan kahit hindi pa araw.
IKA-APAT NA SABADO,
Saka ay naki-bertdey naman si Rebo sa kanyang pinsan at naglaro ng mga beyblade.
IKA-LIMA NA SABADO,
Naglalagas na ang buhok ni Rebo, at dahil sa kairitahan nya ay sinabunatan na ang sarili. Nangumbida ang isa kong katrabaho bilang Mascot upang bigyan ng pribadong pangtatanghal si Rebo
IKA-ANIM NA SABADO,
Kaya nang dalhin si Rebo sa isang karnabal, nais nyang sakyang ang mga maliliit ng helicopter na bumababa at tumatataas na tila oktopus na kamay ay bakal at sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at malungkot na nginitian. Ngunit sa pagkauwi'y humiga nang humiga at pauli-ulit na tingin sa kawalan.
Habang nasa hospital si Rebo na nahihirapan na sa sakit nya. Subalit hinintay muna ni Rebo na makarating ang Ama bago ito namaalam habang tangan sa bisig ng Ama. Sige na Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam
Huling sabado na masisilayan siya ng kaniyang mga minamahal. Wala na ang beyblade at ang nagmamay-ari ni ito. Samantala, Ang beyblade at ang may-ari nito ay mapupunta na sa walang sakit at gutom at mapayapa. Wakas