Sa isang bayan ng Bohol, may isang pamilyang nakatira at namumuhay ng simple. Ito ay ang pamilya ni Marta. Drayber ng traysikel ang kaniyang ama at tindera ng prutas at gulay naman ang kaniyang ina.
Nanay, saan po kayo pupunta? Maari po ba akong sumama sa iyo sa pagtitinda mo? Wala naman po akong pasok ngayon.
Nanay, magkano po lahat ang ating napagbentahan ngayon? Maari po ba akong magpabili sa inyo ng bagong sapatos? Sira na po kasi ang aking sapatos.
Oo, sige Marta. Para makita mo ang lahat ng mga lugar na pinupuntahan ko at pinagbebentahan ng mga gulay at prutas.
Pumunta ang mag-ina sa sentro ng bayan at sila ay nagbahay-bahay para maialok sa tanan ang kanilang mga paninda.
Ok, sige. Tamang-tama, kailangan ko ng mga gulay para sa aming hapunan.
Kumusta po sa inyo? Nais lang naming ialok ang aming tindang mga gulay at prutas.
At nag-umpisa na ang ale na pumili ng mga sariwang gulay para sa kanilang hapunan.
Ano ba ang mga nandiyan na tinda ninyong gulay?
Heto, mayroon ako ritong kalabasa, talong, okra, at kamatis. Lahat yan ay sariwa. Anuman ang mapili mo ay siguradong magugustuhan mo.
Pagkalipas ng dalawang oras ay naubos na ang lahat ng paninda ng mag-ina. Masaya silang naglakad pauwi ng kanilang bahay.
Marta, pasenya ka na, kailangan nating unahin ang pagbili ng mga mas importanteng bagay. Pagtiisan mo muna ang iyong lumang sapatos, nagagamit mo pa naman ito.
Laking pasasalamat ni Nena na nagkaroon siya ng mabait at maunawaing anak na si Marta.
Gonoon po ba? Sige Nanay, ganito na lang po ang gagawin ko, ipapaayos ko po muna kay Tatay ang sira ng lumang sapatos ko.
Salamat anak at naiintindahan mo ako.
Kinabukasan, pumasok na si Marta sa kaniyang paaralan. Nasalubong nya ang kaniyang kaklase na si Lucia.
Marta, gusto mo bang sumama sa akin mamaya sa pagtulong sa pagpapamigay ng mga relief goods sa kabilang bayan?
Sige Lucia, pero samahan mo akong magpaalam sa aking mga magulang pagkatapos ng ating klase, at sabay na tayong pupunta doon.