Sa gitna ng mahimbing na pagtulog ni Karding, nangyaring pumasok ang diwata ng lengguwaheng Fil-i-pin-o.
As a multilingual, I am proud of it. Par consequent, je ne parlerai plus mon dialecte et le Philippin. (Therefore, I will no longer speak my dialect and Filipino.
Dahil ibig mo'y lengguwahe ng mga banyaga't walang alam sa ating wika, nararapat mong matutunan ang kahalagahan nito!
PANAGINIP...
Narito ang kabataang may iba't ibang diyalektong kinagisna't kinalakihan kung saan ang Wikang Panturo'y siyang naging tulay upang mahubog nila ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pagpapahayag ng kanilang mga sarili. Nagkakaroon din sila ng matibay na komunikasyon sa mga taong nasa paligid nila dahil sa pagkakaintindihan.
Iloco met iti diyalekto'k.
At kami'y magkakaibigan-Ug amigo mi-Aggayyem kami!
Ako ay Tagalog.
Sugbuanon usab ako.
Very good sapagkat, naiparinig ninyo ang inyong mga sariling diyalektu't naipahayag ang relasyon sa bawat isa! Ngunit alam niyo ba kung bakit din natin dapat na mas palawigin ang paggamit ng Wikang pambansa?
Sa paraan pong ito, magkakaroon din po ng pagkakaisa't pagkakaintindihan ang bawat mamamayang Pilipino
Para sa akin naman po, mas matutulungan tayo nitong ipahayag ang ating pagka-Pilipino sa iba.
Isa po ito sa mga dahilan kumbakit nananatili ang ating kultura.
PAGMAMAHAL NIYO SA WIKA'T ATING MGA DIYALEKTO....
Tama! Nakita kong nag-aral kayo nang mabuti't ipinamamalas niyo ang pagmamahal niyo sa ating wika't mga diyalekto. Job well done!
PAGMAMAHAL NIYO SA WIKA'T ATING MGA DIYALEKTO....
PAGMAMAHAL NIYO SA WIKA'T ATING MGA DIYALEKTO....
PAGMAMAHAL NIYO SA WIKA'T ATING MGA DIYALEKTO....
Tila batingaw na paulit-ulit na ume-echo sa ulo ni Karding ang mga katagang ito at doon niya napagtanto na para bang nawala na ang espiritu ng kan'yang pagka-Pilipino. Sa gayo'n napagpasyahan niya itong baguhin at doon na nga nagtatapos ang kuwento....
Grabeng panaginip! Dapat ko nga talagang tulungan na mas mapayabong ang wikang Panturo't Pambansa.