Aling Marites: Musta mare? Uyy Chona,nakapagpa-bakuna ka na ba?
Isang araw, dumalaw si Aling Marites sa bahay ni Aling Chona upang makipag-kwentuhan.
Aling Chona: Ay nako, mare! Hindi pa nga dahil natatakot ako sa pwedengmaging epekto sa aking ng vaccinena‘yan.
Aling Marites: Ay sus, mare dapat magpa-bakunaka na para rin naman ‘yan sa kapakanan mo at ng pamilya mo.
Aling Chona: Alam ko naman ‘yun mare, eh kaso nga natatakot talaga ako.Saka, hindi naman ata talaga kailangan ‘yan.
Aling Marites: Ayy! Nagkakamali ka d’yan! Malaki ang posibilidad namaiwas tayo ng vaccinemula sa virusna ‘yan, dahil magsisilbi mong proteksyon ito kapag lalabas ka ng bahay mo.
Aling Chona: Talaga ba, mare? Ibig sabihin ‘pag may bakuna na ako,makakalabas ba ulit tayo at unli naulit ang tsimisan natin?
Aling Marites: Ayy nako, tama ka d’yan. Kaya, ano pa’ng hinihintay mo?Magpa-reserba ka na ng slot para mabakunahan ka na.
Aling Chona: Sige mare, gagawin ko ‘yan. Maraming salamat.
Makalipas ang ilang linggo matapos magpa-reserba ngvaccination slotsi Aling Chona, siya aynakapagpa-bakuna na. At muli silang nagkita ni Aling Marites.
Aling Chona: Grabe mare, parang ang gaan ng pakiramdam ko at pakiramdamko ligtas na akong lumabas dahil may proteksyon na ako laban sa virus.
Aling Marites: Sabi ko naman sa’yo, Chona. Mabuti ang epekto ng bakuna. Pero, kahit na may bakuna na tayo dapat sundin pa rin natin ang iba’t ibang health at safety protocols ng ating barangay.
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Magpa-bakuna na kayo upang maiwas atmaligtas tayo mula sa virusna CoVid-19.