Kinuha na nila ang ating mga lupain. wika ng aking ina sa aming lengguwahe, limang dekada na ang nakararaan. Nagkasakit din siya at sumunod sa aking ama.
pumunta ako sa gilid ng aming taniman at kumurot ng lupa, saka inilagay sa loob ng isang bote. Utos to ni gob...binili na ito ni gob! sabi ng mga Tagalog.
Nakilala ko ang isang amerikana na si Ms. Winters.Napansin kong kasingkulay ng kanyang balat ang malaperlas na bunangin, ang dagat ang kanyang mga mata. Nakatulala lamang ako sa kanya no'ng una ko siyang makilala.
Si Ms. Winters ay isang naiibang katauhan. Inalagaan niya ako at pinag-aral. Malaking porsyento ng aking mala-rebeldeng pagtingin sa mga ortodoksiya ay ibinahagi niya sa akin. Tinuruan niya akong magkaroon ng sariling kultura
Nakatapos ako sa magandang paaralan at unibersidad at nakapagtapos ako ng pilosopiya sa unibersidad kung saan siya naglilingkod.
lumipad kami ng Pilipinas at nagsalita sa harap ng tao,Oo, ako'y katutubong uminom ng katas ng karunungan sa dayuhang lupain ngunit ako'y di nakalimot, di makalilimot