"HIWALAYAN"

"HIWALAYAN"

Storyboard Text

  • Si Mikasa at Eren ay matagal nang magkasintahan. Inaya ni Mikasa si Eren makipagkita. Pumayag naman ito dahil may mahalaga din siyang sasabihin. Habang sila ay nag-uusap, biglang sinabi ni Eren na...
  • Maghiwalay na muna tayo. Pagod na ako.
  • Nabigla si Mikasa sa tinuran ng kasintahan. Agad nitong inisip kung ano ba ang maaaring mali niyang nagawa.
  • Bakit? Anong mali kong nagawa? 'Wag naman hiwalay agad, pag-usapan muna natin.
  • Wala na tayong dapat pag-usapan pa. Hindi pa ba malinaw? Kailangan muna nating maghiwalay.
  • Walang ano-ano ay biglang umalis si Eren.
  • Ano? Sandali lang naman, bakit biglaan?
  • Umuwi ka na, uuwi na rin ako.
  • Pagkaalis ni Eren ay sinundan ito ni Mikasa. Paulit ulit nitong tinatanong kung saan siya nagkamali.
  • Ano? Gano'n na lang 'yon sa 'yo? Gano'n lang kadali?
  • 'Wag mo 'kong lapitan. Para 'to sa ikabubuti nating dalawa.
  • Sinusundan pa rin ni Mikasa si Eren at kinukulit ito.
  • 'Wag mo 'kong sundan. Ang sabi ko umuwi ka na.
  • Bakit? Ano ba kasing problema?
  • Hindi nakatiis si Eren kaya sumagot na ito.
  • Pagod na ako sa pandemic at paulit ulit na lockdown.
  • Anong problema? 893k ang aktibong cases sa bansa.
  • ANO?
  • Kaya maghiwalay muna tayo, social distancing!
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family