Search
  • Search
  • My Storyboards

Malay ang Diyos sa Katotohanan ngunit Naghihintay

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Malay ang Diyos sa Katotohanan ngunit Naghihintay
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • (1) Ivan Dmitrich, huwag ka nang tumuloy ngayon. Hindi maganda ang aking napanaginipan.(3) Hindi ko alam kung ano ang aking ikinatatakot. Ang alam ko lamang ay masama ang aking panaginip. Napanaginipan kita na nang magbalik ka sa bayan at tanggalin ang iyong sumbrero'y ubanin ka na.
  • (2) Nababahala ka na kapag tumungo ako sa perya ay maglalagalag ako.(4) Isang magandang pangitain. Tingnan mo kung hindi ko maibenta ang lahat ng aking paninda at pasasalubungan kita ng kung ano-anong galing saperya.
  • At tuluyan siyang nagpaalam sa kaniyang pamilya upang maglakbay.
  • Nang mangalahati na sa kaniyang paglalakbay ay nakadaupang-palad niya ang isang kakilalang mangangalakal at kapuwa silang namalagi sa bahay-panuluyan upang magpalipas ng gabi.
  • Hindi ugali ni Aksionov na magpuyat. Kaya naisipan niyang magpatuloy sa paglalakbay sapagkat malamig noong mga panahong iyon.
  • (1) Sino ka? Saan ka nagmula? Saan ka namalagi kagabi? Mag-isa ka lang ba o may kasama kang mangangalakal? At bakit mo siya iniwan bago magmadaling-araw?(3) Ako ang hepe ng distritong ito at kaya kita tinatanong dahil ang kasama mong mangangalakal kagabi ay natagpuang may gilit sa leeg at wala nang buhay. Kailangan naming halughugin ang iyong kagamitan.
  • Noong nakapaglakbay na siya nang malayo-layo, tumigil siya upang pakainin ang mga kabayo. Nagpahinga rin siya sa nadaanang bahay-panuluyan at nagtungo sa beranda upang umorder ng iiniting samovar. Kinuha niya ang kaniyang gitara at nagsimulang tumugtog. Ilang saglit lang ay isang troika ang dumating sakay ang hepe at dalawang sundalo. Lumapit ito kay Aksionov at nagsimulang magtanong ng kung ano-ano.
  • (2) Mawalang-galang na po, bakit po ninyo ako tinatanong nang ganyan na para bang isa akong mang-uumit o magnanakaw? Naglakbay po akong mag-isa at hindi po ninyo ako kailangang tanungin ng ganyan.
  • Pumasok sila sa bahay. Binuksan ng hepe at sundalo ang mga bagahe ni Aksionov at naghalughog. Pagdaka'y natagpuan ng hepe ang isang kutsilyong may dugo sa kaniyang bag.
  • (1) Kanino ang patalim na ito? Bakit may dugo ang iyong kutsilyo?(3) Ngayong umaga, natagpuan ang mangangalakal sa kaniyang higaan na may gilit sa leeg. Ikaw lamang ang makagagawa nito sa kaniya. Nakasara ang silid mula sa loob at wala ni isang tao roon. Heto at duguan ang iyong kutsilyo at kitang-kita sa iyong mukha ang pagkabalisa! Sabihin mo sa akin, paano mo siya pinaslang at magkano ang iyong ninakaw?
  • Buong-katapatang nangatwiran si Aksionov na hindi niya ginawa iyon. Na hindi na niya nakitang muli ang mangangalakal matapos ang kanilang pag-inom ng tsaa. Inutusan ng hepe ang mga sundalo na posasan si Aksionov at dalhin sa karwahe
  • (2) Hindi ko alam! Hindi akin yan!
Over 30 Million Storyboards Created