Ang usapin ukol sa akademya ng salitang Kastila ay nasa mga kamay ni Don Custodio, na siyang pinagkatiwalaan lumutas sa suliraning ito.
Si Don Custodio Salazar ay isang Katolikong mapaglinlang. Hindi siya naniniwala sa pangungumpisal, sa milagro ng mga santo at ang pagiging banal ng papa.
Bata pa si Don Custodio nang dumating siya sa Maynila. Dahil sa kanyang mataas na katungkulan ay nakapangasawa siya ng isang mayamang taga-lunsod. Ginamit niya ang pera ng kanyang asawa sa pangangalakal. Siya ay naging tanyag at napabilang sa mga kinikilalang tao sa lipunanan.
Mahigit na dalawang linggo na sa poder ni Don Custodio ang usapin tungkol sa paggamit ng wikang Kastila sa loob ng akademya. Siya ang naatasan na gumawa ng pag-aaral at magbigay ng pasya kung ang paggamit ba ng mga estudyante ay naayon o hindi.
Ang pag-iisip ni Don Custudio ay mahirap mawari. Minsan ay kakampi at pinagtatanggol niya ang mga Indiyo. Samantalang kung minsan ay hiinahamak niya ang pagkatao ng mga ito.
Sa kanyang pagbibigay ng pasyatungkol sa usapin, isa lang ang gusto niyang mangyari, ang mapasaya ang mga prayle lalo na si Padre Irene.