Humalik si kapitan Tiago sa kamay ng dalawang pari at bumati.
Magandang gabi sa inyo, mga ginoo!
Inalis ng paring Dominiko ang suot na salamin at sinipat ang binata. Namumutlanaman at nanlalaki ang mga mata ni Padre Damaso.
Siya po si Don Crisostomo Ibarra, anak ng namatay kong kaibigan, pagpapakilalani Kapitan Tiago. Kararating lamang niya mula sa Europa at sinalubong ko siya.
Hindi naikaila ang paghanga ng mga panauhin nang marinig ang pangalan ng binata. Nakalimutan tuloy ni Tenyente Guevarra ng guardia civil na batiin si Kapitan Tiago. Nilapitan niya ang nakaluksang binata at sinipat mula ulo hanggang paa. Si Ibarra'y mababa gaya ng karaniwan, payat, mukhang walang pinag aralan. Magiliw ang kanyang mukha at kasiya-siyang kumilos. Kababakasan iyon ng lahing-Kastila. Mapusyaw ang kanyang kulay.
Nalipat ang tingin ng lahat kay Padre Damaso
"A!"may pagtataka ngunit masayang bati ni Ibarra. "Sila ang kura sa aking bayan.Matalik na kaibigan ng aking ama si Padre Damaso!