(2) Bali 10 LTRS po ng Diesel iyon Sir dahil ₱50 ang isang litro
(3) Ano? ₱50?! Ang presyo ng Diesel ngayon ay ₱38 lamang ayon sa balita kanina kaya dapat 13 LTRS ang aking matatanggap. Overpricing na yan ah
(4) Maaari ko bang maka-usap ang may-ari ng Gas Station na ito ngayon?
(5) Opo sir, pwedeng-pwede po. Naruon lang po siya sa loob.
(6) Boss, napansin ko po na overpriced ang Diesel niyo. Ang itinakdang presyo ho ay ₱38 ngunit ginawa niyo po itong ₱50 baka naman po gusto niyo itong babaan sapagkat sobra-sobra ang paghataw niyo ng presyo dito.
(7) Wala kang pakialam kung gusto kong mataas ang presyo ng Diesel ko! Kung namamahalan ka. Edi pumunta ka sa ibang Gas Station at dun ka bumili!
(9) Magandang araw po! Gusto ko lang ho i-report ang 123 Gas Station dahil overpricing sila ng Diesel.Hindi po kasi mapaki-usapan ang may-ari na babaan ang presyo dahil sobrang taas po ng ipinataw nila...Sige po hintayin ko na lang kayo dito.
(8) Nakikipag-usap ako ng maayos tapos babarahin lang ako...Nako! Matawagan nga ang DTI upang ireklamo ang may-ari ng Gas Station na ito..
(10) Napagalaman kong overpriced ang presyo ng Diesel niyo at alam niyo bang maaaring kaharapin ng negosyong ito ang kasong "profiteering" sa ilalim ng Price Act, o ang pagbebenta ng basic o prime commodity na sobra-sobra sa SRP?
(11) Maaari kayong magmulta ng ₱20,000 hanggang ₱1 milyon at posible ring kayo ay makulong hanggang 15 na taon.
(12) Wala pa naman pong nakakabili ng Gas mula sa Station namin ngayong araw at ngayon ko lang ho ginawa ang pagpataw ng napakataas na presyo dahil kailangan na kailangan ko ng pera ngayon. Hindi na po ito mauulit. Pangako! Hindi ko kayang magbayad ng napakataas na halaga ng pera ngayon at lalo na ang makulong dahil may pamilya rin akong binubuhay. Hinding-hindi na ho talaga ito mauulit. Pagpasensiyahan niya na po!
(13) Sa ngayon ay pagbibigyan kita ngunit kapag nalaman ulit namin na lumabag ka sa batas ay wala kaming ibang magagawa kung hindi ang pagbayarin ka.