Minsan ang kamalasan sumusulpot sa tao pero ang kamalasang dumating Kay Mathilde ang pinakamalala sa lahat.
Isa na sa pinkakamalala ang pagiwan sa kanya ni G. Loisel dahil na nga siguro'y di matiis nito ang ugali ng asawa.
Bilang ganti, naghanap din siya ng iba. Kung saan-saan siya pumunta hanggang nakahanap siya ng isang gwapong mayaman, si G. Craige.
Ibinigay nito ang lahat ng kanyang luho, mga mamahaling kuwintas, magagandang kasuotan at ang kanilang pagmamahalan ay nagdulot ng isang anak.
Hindi naglaon ay nagaway ang dalawa dahil sa ipinagbubuntis nito. Sinasaktan at ikinahihiya ni G. Craige si Mathilde kahit buntis ito. Sa bandang huli, pinalayas niya si Mathilde.
Kung saan-saan siya pumunta at naghahanap ng matutuluyan hanggang sa makapunta siya kay G. Loisel. Siya ang bukod-tanging tumanggap kay Mathilde. At sa huli ay napagtanto niyang di niya kailangan ang luho kundi ang pagmamahal ng dating asawa. Sa bandang huli ay tinanggap ng mag-asawa ang isa't-isa at namuhay ng maayos.