Meron akong inimbitahan na isang halimbawa ng masipag na OFW, Ang aking Lola upang maibahagi niya ang mga sakripisyo na ginawa niya para saming pamilya
HAPPY INTERNATIONAL MIGRANTS DAY SA AMING MGA MASISIPAG NA MGA OFW!!!!
Lola, pwede mo bang maibahagi ang iyong mga karanasan at mga sakripisyo na ginawa para maayos ang buhay nang ating pamilya
Ang swerte ko nga dahil ang bait nang mga kasama ko doon at mababait pa ang pamilyang aking napagsilbihan at nagpapasalamat talaga ako sa kanila
Mahirap at ayaw kumang umalis ngunit kailangan talaga para gumanda ang buhay at makapag-aral ang aking mga anak, ang tatay mo at kapatid niya.
Ang buhay doon ay hindi masaya. Lahat nang tao doon ay nakikipagsapalaran para makakuha nang magandang trabaho upang may ipadala sa kanilang pamilya.
MInsan parang umiiyak nalang ako dahil namimiss ko na ang aking pamilya at paano na kaya sila doon. Mahirap talaga ang pagiging OFW at isa sa mga rason ay mawalay sa pinakamamahal mong pamilya
May mga kaarawan rin ako na wala ang aking pamilya. Hinihiling ko na makita ko sila ngunit hindi pwede at nakakalungkot lang na wala sila sa kaarawan ko. Mabait naman ang mga pamilyang pinagsilbihan ko dahil sinamahan nila ako para sa aking kaarawan
Grabe naman ang iyong na naranasan sa pagiging OFW. Saludong-saludo ako sa katatagan ng iyong loob na iniwan mo ang pamilya mo para makapag-hanap ng trabaho upang matulungan kami.
Gagawin ko ang lahat para sa aking pamilya, para sa inyo. Malaman ko lang na gumanda ang buhay niyo ay parang nawawala ang aking pagod.
Isang mapagpalang araw sa inyo mga OFW sa buong mundo! Lagi sana kayong mag-iingat diyan, Lagi kayong kumain ng sa tamang oras! Kung di man kayo makakain sa tamang oras, mangyaring kain kayo ng madami! Alam natin may lungkot kayong na darama, na hohomesick kayo dahil sabik kayong makasama mga mahal nyo sa buhay! Pero sana isipin nyo kung bakit ka nagdesisyon na pumunta diyan, Di ba para sa kanila?