Kailangan kong tibayan ang aking loob para sa hustisya ng aking mga magulang
Hindi ko na kayang maglihim....
Tao po....Tao po.....
Paano kaya ito?
Nako! Ngayong araw ang napag-usapan naming pagkikita ni PS/INSP Polina at ilang minuto nalang ay dadating na siya ! Hindi maari na mag-abot sila!
Hindi maari ito....
Ano kayang pakay ni Hilario para pumunta dito ng walang pasabi?
Ilang gabi ang lumipas at patuloy na bumabagabag sa isipan ni Kuro ang kaniyang nalalaman.  Dumating ang isang araw at hindi na niya kayang isawalang bahala at manatiling tahimik tungkol sa kaso ng pagkakapatay ng kaniyang magulang.
Ano ang iyong sadya at naparito ka?
Nais kong ibigay ito at kumustahin ka sapagkat matagal tagal kitang hindi nakausap at nakita pare
Bumisita si Hilario sa bahay ni Kuro ng walang pasabi upang kumustahin ang kaniyang kaibigan sapagkat napansin niya na madalas siyang iniiwasan ni Kuro matapos ang araw ng inuman.
Nabigla si Kuro sapagkat sa araw at oras na iyon ay inaasahan niya ang pagdating ni  PS/INSP Polina upang pag-usapan ang impormasyon tungkol sa suspek ng aksidente.
Ipaglalaban ko ang hustisya para sa inyo nay, tay, at sa buong pamilya natin
Hindi dapat ako magpadala sa tukso na matakot at panhinaan ng loob!
Bagaman hindi pa naalis ang lungkot, hinanakit, at galit ni Kuro kay Hilario, pinatuloy parin niya ito sa kaniyang munting tahanan.
Maya-maya lamang ay umalis na din si Hilario. Bumalik ang takot at pangangamba ni Kuro sa kung ano ang maaring mangyari. 
Mabuti na lamang ay hindi nag abot si Hilario at ang pulis. Huminga ng malalim si Kuro at pinatibay ang kaniyang loob na labanan ang kaniyang takot. Matiyaga siyang naghintay sa pagdating ni PS/INSP.