Search
  • Search
  • My Storyboards

Ang Aking Komiks ni Sofie

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Ang Aking Komiks ni Sofie
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Mayroong dalawang bata na magkaibigan at ubod ng kabaitan at kasiyahan ang kanilang pangalan ay Dilya at Karding. Madami ang nagugustuhan ng mga tao sa bayan nila ang dalawang bata dahil sa ubod ng kabutihan at masayang pakisamahan. May ilang nagsasabi na ang dalawang ito ang nag liliwanag sakanilang mga malulungkot dahil silang dalawa ang nag papasaya sakanila.
  • Ang Bayan nila ay walang liwanag o ilaw tuwing gabi kaya naman ang dalawang mag kaibigan ay nais makagawa ng ilaw para sakanilang bayan. Dahil sa kabutihan ng dalawa ay naiisip padin nila ang ikabubuti ng kanilang bayan dahil ayaw na nilang makita ang kanilang bayan na nahihirapan tuwing gabi dahil wala silang liwanag tuwing gabi.
  • Isang araw may nakausap si Dilya na isang matanda. Sabi ng matanda ay may isang diwata sa isang kagubatan at maaari nitong tuparin ang kanilang kahilingan. Hindi na nag dalawang isip si Dilya dahil gusto nitong matulungan ang kanilang bayan kaya naman hinanap niya si Karding.
  • Agad naman ito binalita ni Dilya sa kaniyang kaibigan na si Karding. Ipinaliwanag nito na may halong ngiti sa kaniyang mga labi. Agad naman sumang ayon si Karding na puntahan ang diwata. Kinabukasan ay nag lakbay ang dalawa upang hanapin ang diwata na tinutukoy sakanila ng matanda. Nang makita nila ang diwata ay humiling sila ng magagamit nila tuwing gabi upang magsilbing liwanag ng kanilang bayan Sumang ayon ang diwata ngunit magiging kapalit nito ay ang kanilang buhay. Hindi ito nagustuhan ni Karding ngunit ang kaniyang kaibigan ay sumang ayon.
  • Walang nagawa si Karding upang mabago ang isip ng dalaga kaya. Ayaw nitong siya lamang ang tumupad ng usapan dahil matalik niya itong kaibigan kaya naman sabay silang sumang ayon na magiging kapalit ang kanilang buhay. Hindi na nakabalik ang dalawang magkaibigan sa kanilang bayan kaya naman ay kinabukasan.
  • Isang araw nag taka ang bayan kung bakit hindi na nila nakikita ang dalawa. Sa isang pag lalakbay ng isang tao sa bayan ay nakakita ito ng dalawang maliit na pahiraba at mayroon ito sa loob nito ay may sinulid na maaaring sindihan ng apoy. Ilang araw ay ginamit nila ito upang liwanag sa gabi at naniniwala silang kapalit ng mga ito ay ang dalawang masiyahing bata na nagbibigay saknila ng liwanag kaya naman ay tinawag itong KANDILA.
Over 30 Million Storyboards Created