Ako ay si Laon, merong akong magandang kalooban, tootoong masaya dito sa Negros!
Ay nako! Umuulan ng malakas na malakas!
Oo! Parang aabot ito sa leeg namin!!!
Kami po ay walang mga kasangkapan.
Gumawa kayo ng mataas na bunton ng lupa.
Sa sikap at tiyaga ng mga kampon ay nagkaroon ng malaking bundok. Ang nagging taas ng taluktok ng bundok ay 6,000 talampakan. Duon sila tumahan hanggang sa humupa ang tubig. Nagpatuloy pa rin sila sa paggawa, nagsihukay sila ng bambang na tungo sa dagat upang siyang lagusan ng tubig ng sa gayon ay humupa ang tubig sa baha.
Sa hulung wagyway ng birang ay nagkaroon na ng lahat ng kailangan.
May isang malaking ahas na tumira sa bundok na yaon. Ang ahas ay may pitong ulong kakila-kilabot. Ang kulay ng mata ay luntian at ang ihinihinga ay kakatwa, na kung araw ay usok at kung gabi ay apoy.
Pinugot ni Kan ang pitong ulo ng ahas. Ang mga ulong iyon ay inialay sa haring Laon, at mula noon ay matiwasay na namuhay muli ang mga taga-Negros. Ang binatang si Kan ay nagkamit ng yaman at napangasawa ang anak ng hari.Inaalala ng mga taa roo ang binata at ang hari. Ang bundok ay pinangalanang Kan-Laon at ng magtagal ito’y nagging Kanlaon, bilang parangal kay Kan at Haring Laon.