Hiniling ni Rebo na magdiwang na ng kanyang kaarawan ngunit hindi pa araw ng kanyang kaarawan. Kailangang batiin si Rebo ng kanyang mga kaibigan at magbigay ng laruan lalo na ang beyblade.
Ika-apat na Sabado
Naki-bertdey at kumain, saka nakipaglaro siya ng beyblade sa mga pinsan.
Ika-Limang Sabado
Unti unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang ngumiti at nakakalbo na din. Samantala, para maibsan ang kalungkutan ay nangumbida ang kanyang tatay ng isang mascot.
Ika-anim na Sabado
Di makakaila ang mabilis na pag pawi ng lakas ni Rebo. Di na nya magawanag ipasok ang pisi ng beyblade upang paikutin ito. Ramdam na ang pagod at hiningal sa kanyang pagsalita. Dahil sa kagustuhan ng kanyang ama na mapasaya siya, dinala niya ito sa karnabal at naging paborito ang sasakyang helikopter.
Eksaktong katapusan ng buwan ay lumisan na si Rebo. Sa lahat ng ito, lumisan siyang tangan sa bisig ng kanyang tatay.
Paglabas ni Rebo sa ospital. Wala na ang beyblade at may ari nito. Sa wakas, payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.Mag kasamang tutungo sa lugar na walang sakit at walang gutom. Ang mga naiwan naman ay lalaban sa kirot at lungkot ng pagkawala ni Rebo